Ang kaso ni Ernie B. sa aking pananaw at iba pa...
Ang pangyayaring ito ay isa lamang sa paulit-ulit na ginagawa ng mga supervisor magmula ng iboto ng karamihan na magkaroon ng union dito UT-Packaging Department. Ito ay ang di pantay-patay na pagtrato, pagpapahirap at basta nila kakasuhan ng mali ang mga manggagawa, sususpendihin at aalisin sa trabaho ang mga kaawa-awa kong mga kasamahan. At kung ipanaalam at humingi ka ng kinauukulang tulong sa tinatawag nilang Human Resources, ikaw na hamak na manggagawa ay kanilang babaliktarin at puro ang kasinungalingan ang kanilang isusulat at ipa-file at idodocumento upang ito ay magiging laban sa iyo hanggang sa ikaw ay kanila na lamang alisin sa trabaho.
Isang halimbawa sa kanilang paguusig sa isang kaso, ikaw ay ipapatawag sa isang meeting at mayroon na silang kopya ng pangyayari na kanila nilang dinoktor. At pag-kakataon mo nang sabihin ang panig mo, isa-isa nilang pakikinggan ang bawat salita binibitawan ito at hahanap sila ng butas upang ito ang ipanlaban sa iyo na akala mo napakahusay, napakagaling at bihasa silang magsalita ng wikang ingles, nguni't sa totoo ikaw ay binabaliktad lamang.
Kung ikaw ay nagpapaliwanag lamang ng iyong panig ang sasabihin nila ikaw ay nakikipag-argue o nakikipagdebate. Kaya dito pa lamang nilalabag nila ang karapatang pang-tao.
Hihingan kanila nga mga opinion at mga survey ngunit ito lamang ay ginagamit nilang pagcontrol sa mga tao para makakuha ng information mula sa 'yo. Ang halimbawa ay pagsasabi mo at pamimili ng shift ikaw ay bibigyan nila na taliwas sa kagustuhan mo, kagaya din ng day-off request mo, ganoon din sa iyong job assignment at may request ka na gusto mong kasama ikaw ay kanilang papahirapan at paiikutin maliban lamang kung ikaw ay kanilang paborito at umaayon sa kanilang bulok at maruming sistema na alisin at maniwala sa kanilang propaganda at pag-brainwash na walang silbi at walang magagawa ang ating union at di kailangan sa ating workplace.
Nasisikmura nilang patakbuhin sa araw-araw ang ating departmento na isang kasumpa-sumpang lugar at mag-away ang bawat isa at isisi ang mga masamang pangyayari sa pagkakaroon ng union, lalung-lalo na pinag-aaway nila ang mga kababayan kong mga Pilipino at mga kasama kong manggagawa upang di mabuo ang isang mabuting pagkakapatiran at magkaroon ng isang pamilya ng manggagawa na naghihirap sa araw-araw na naghahanap buhay upang itawid lamang pangangailangan ng kanilang pamilya. Sinisikap ng mga aba kong mga kasamang manggagawa na mailabas ng nasa panahon ang kaisa-isang lamang pahayagan ng San Diego, ang Union-Tribune!
Ang sulat mula sa upper-management ay isang magandang balita at nagpapatunay sa kanilang kasinungalingan at sana ay makita ng karamihan sa atin na buhay-buhay at gumagalaw para sa ang ating union at taliwas sa kinakalat nila na wala na raw tayong union at walang magagawa. Ang union ay di ako! Ang Union ay ikaw, sila o siya...ito ay tayong lahat...ito ang boses ng pangkaraniwang mamayan at manggagawa! Ito ang bumubuo ng pangkaraniwang mamayan (middle class family) ng Amerika. At ito tayo rin ang dahilan kung bakit nangunguna ang bansang Amerika sa kasalukuyang panahon.
"In Solidarity There Is Power, and Union There Is Power!"
Labels: alex alcarion, penakbet.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home