MY Daily UT Weblog

One after another the dirty-tricks emerge revealing Union Tribune's ruthless campaign against workers' rights.When UT employees attempt to stand up for themselves and try to form a union, we face threats, propaganda, discrimination, intimidation, harassment and even firings.It's wrong, and it's got to stop now!!! AND IT IS AGAINST THE LAW!!!

My Photo
Name:
Location: San Diego, California, United States

Welcome! I'm Meinard "Maestro" Belarmino, Home & Living has always been one of my favorite subjects and History, Music, Arts, Faith, People, Places, Friends, Politics(?) and Family is my life. I hope you'll be interested in some of my subjects. So, please take a look around and reflect yourself. I'll try to add new material regularly to keep my site fresh, so check back often! It took a lot of time to publish a good website especially dedicated to everyday people, the real people & friends I've always met everyday, I've been busy working for a living, like you guys out there. But I'm glad to be here to Welcome YOU! Please give your comments, inputs and suggestions to improve this site. All the items you read here are from facts and variety of opinions of other people like you. Your freedom of self-expression here on the Net. Thanks for your time...Don't forget to click other links here on the main page! Don't forget to visit my archives too! There are more to see,listen,learn and to discover. Let's explore the wonderful world of (W.W.W.)World Wide Web! Sometimes... if not always "Weird Wide World". Whatever, it is good..."TULOY LANG PO KAYO!"

Thursday, October 19, 2006

Ang Bulok Nilang Sistema...Gusto Raw Nilang Marinig Ang Boses Ko, Kuno?

Ang pakikipag-usap at pagkikipagkita namin ni Michael Connors (Manager) at Lamont Monroe (Senior Officer HR) kahapon tungkol sa nangyari nung sabado sa aming dalawa ni Pam Castanon (Shift Supervisor) at ako ay isang bulok na sistema.

Muli ang kinuha kong union-rep ay si Benny Tatoy sapagkat s'ya ang nakakasubaybay sa mga nakaraang mga pangyayari dito sa UT Packaging Department lalo na ng manalo ang union noong nakaraang taon. Pilipino kagaya ni Benny Tatoy ang pinili ko upang makilala at igalang nila ang aking mga kapwa-kababayang Pilipino.

Sa muling pakikipagharap kong ito sa management ay lalong nabubuo kung sinong mga tao ang aking nakikisalamuha at nakakausap ko sa araw-araw lalo na sa kompanyang UT. At kung paano sila makitungo sa kanilang mangagawa at igalang ang karapatang pangtao.
Ito marahil ang isang mukha ng Amerika at bilang Pilipino di ako dapat mahiya sa aking pinanggalingang bayan at sa aking mga kababayan.

Ano ba talaga ang trabahong ginagampanan ni Mr. Lamont Monroe, na sa pagkakaalam ko sya ay Senior-Officer Human Resources na dapat makakatulong sa mga mangagawa kung may problema kami sa trabaho o sa aming buhay na makaapekto sa aming trabaho nakailangan naming lumiban muna at harapin namin ang problema lalo na't tungkol sa aming mga pamilya. Nguin't taliwas!
At si Michael Connors ay isang kenkoy (clown) o puppet (tuta) o sa madaling salita si Kikong Baterya na taga-tango o taga sang-ayon sa lahat ng sabihin ni Lamont.

Sa kanyang mga pagtatanong sa akin, nagmismistula syang abogado ni Pam Castanon na ipinagtatanggol n'ya ang kanyang kliyente at gumagawa ng ibang pangyayari upang mapagtakpan ang kanilang paglabag sa karapatan ng mga tao at manggagawa dito sa UT.
Ang una nilang tanong sa 'yo " Puede bang malaman at masabi mo sa amin ang nangyari nung Sabado?" ayon sa iyong sariling pananaw.
Na sa akala mo ay mailalahad mo at masasabi mo ang tunay na nangyari at sa sarili mong opinion, nagkakamali ka!

Kaya nga't habang sinasabi mo sa kanila ang mga pangyayari iniisa-isa nila ang binibitawan mong mga salita at pagnagkamali ka ng pili ng salita ito ang ipanlalaban nila sa iyo. Hindi mo mailalahad o maikukwento ng deretso sapagkat iniisa-isa nila na parang di sila marunong ng salitang ingles na kanilang sariling salita naman at wala silang pakialam kung ang kanilang kaharap ay di Amerikano. Buti nga tayong mga Pilipino halos lahat kahit paano ay nakakapagsalita tayo ng kanilang salita.

Narito ang mga halimbawa ng mga salitang dapat mong pagingatan
Argue....Explain...Expressing you own opinion
Negligence....disobey...Insubordination
Boss...Superior...Sir..Subordinate..Authority..Leader
" A good conversionalist is to know how to listen!"
Magaling silang mag word twist!

"Sa madaling salita gusto nila akong kasuhan ng insubordination, ibig sabihin di ko pagsunod sa nakakataas sa akin at ang madaliang pagkatanggal sa trabaho ng walang kaukulang imbestigasyon."

Naalala ko ang sinabi sa akin ng aking kamag-anak na si Baby Camama(dating UT employee) na gagawa silang ng paraan upang baliktarin ka nila. At ito nga ang ginagawa nila sa akin sa ngayon sa kadahilanang isa akong union-supporter at gusto nila akong maalis sa kompanyang ito.

Malinaw na ang ating kaharap sa araw-araw sa ating trabaho ay mga tagasupil (union-buster) ng ating karapatang mangagawa sana tayo ay magising, magkaisa at huwag matakot ipagtanggol ang ating karapatang tao bilang mangagawa! "SILA ANG KAHIHIYAN NG BANSANG AMERIKA!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home