Sa iyo pahayagang U-T, Huwag mong itulak sa kahirapan ang iyong mang-gagawa!
Sa ngayon, ang pahayagang Union-Tribune ay sinasaktan ang kanilang sariling mang-gagawa at ang mga pamilya nito.
Kabahagi ng mga balitang inahahatid araw-araw sa ating mga mamayan ay ang mga masisipag at tapat na mang- gagawa ng packaging at pressroom deparment. Ito ay binubuo ng mga migranteng lalaki at babae mula sa iba't-ibang bansa. At ang bunga ng mabuti nilang pagtatrabaho ay tanghaling isa ang pahayagang ito sa pinaka-matagumpay sa larangan ng pamamahayag dito sa bansang Amerika.
Nguni't taliwas sa dapat asahan na karapat-dapat lamang sana silang bigyan ng kaunting pabuya ng nagmamay-aring si "Mr. David Copley." Ang kanilang dedikasyon sa kanilang pagta-trabaho ay sinuklian nila ng pag-antala sa pagbibigay ng kontrata na umabot na sa higit na isang taon. At sapilitan nilang binawasan ng 50% ang benepisyo at suweldo ng mga pangkaraniwang mang-gagawa. Ang pagbawas na ito ay magtutulak at magdudulot sa karamihan ng paghihirap.
Ang karamihan sa mga mang-gagawa ito ay mga migranteng Latino at Filipino na ninais na makarating sa bansang ito upang magtrabaho at gumanda ang kinabukasan ng kani-kanilang pamilya.
Ngayon, pagkatapos na sila ay tumubo ng malaki at umani ng papuri na mula sa paghihirap sa masipag at bilang tapat na mang-gagawa, ang pahayagang Union-Tribune ay nais alisin ang ating"American Dream!"
Sa iyo Pahayagang Union-Tribune, Maging Makatao ka!:" Huwag mong itulak sa kahirapan ang iyong mang-gagawa!"
Related link (in English)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home