Usap-usapan ( Si Santa Claus at si Big Bad Wolf)
Noong Miyerkoles (Sept. 13, 2006) marami ang nabigla sa biglang pagdalaw ni Santa Claus. Marami sa mga kasama kong nagmamahal sa kanya ang sabik syang makausap at makitang muli. Napag-alaman ko na sya ay napilitang magbitiw, magresign o magretire ng mas maaga ng di inaasahan. Ito marahil ay sa kadahilanang sa mga di magagandang nangyayari sa ating departamento. Natatandaan ko ng huli ko syang makausap noong mga nagdaang taon nung dumalaw sya minsan. Sinabi nya sa akin na inaasahan daw nya ang mas maaga nyang pagreretire at sabi ko bakit naman? Pipilitin daw ng management na mas mabuti na syang magretire sapagka't may edad na sya at di na sya madaling sumunod sa mga pagbabago at ayaw na nyang mapag-aralan ang mga bagong sistema tungo sa pag-unlad. Tatlumpung limang taon syang nagtrabaho dito sa kompanyang ito at mula sa pressroom ay dito sa packaging huli syang nagtrabaho na ipnakita naman nya ang kanyang mahusay na pamumuno sa amin na kinagiliwan naman sya ng karamihan na di naman nagugustuhan ng management. Sa aking sarili at sa iba kong mga kasama di man lahat, si Santa Claus ay may respeto sa kanyang katrabaho at ang lahat ay gumagalaw at ginagawang nyang maging masaya ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapatawa. At sa ginawa nyang ito, dito ko sya lubos na hinangaan at di naman nabawasan ang pag-galang ng mga tao sa kanya sa katunayan ayaw nya ng tatamad-tamad at nagbabasa..mahigpit sya kung kinakailangan at bumamaba ng kalevel ng mga pangkaraniwang manggagawa na alam ko na di nagugustuhan ito ng management sapagka't nagagawa nyang magkaisa at malapit ang bawa't isa. Nag-iba lang sya ng magsimulang ang pangangampanya, ang issue na magkakaroon ng Union Election at isa sya sa mga ginamit bilang video propaganda ng management kahit alam ko na di ayon sa kalooban nya ang pagsasalita sa video campaign propaganda material ng company. Madalas para maging masaya ang araw ng pagtatrabaho magdadala sya ng free breakfast sa lahat, kagaya ng donut. Tangi sya lamang sa mga naging supervisor ko ang gumawa nito at may ganitong katangian. Kaya nga't halos paborito sya ng nakakarami. At ng sya ay magbirthday nung nakaraang taon pinaunlakan ko sya at kinantahan ng "What A Wonderful World". Bagay sa kanya kasi ang awiting ito lalo na ang linyang " I see friends shaking hands, saying " How do you do? They really saying I love you!" Na kahit paano nakatulong sya sa amin na maalaala ang diwa ng pagkakapatiran na kulang dito sa aming departamento. Na alam ko na nagustuhan nya ang pag-awit kong ito. At napansin ko ng mga oras na 'yon na ni wala man lang syang bisitang taga management. Na sa aking pananaw na di ito pangkaraniwan at nararamdaman ko na may ibang ibig sabihin ito. Sa akin di ko makakalimutan ang mga masasayang araw na kasama sya sa trabaho. Kahit na parang naglalaro lang ay napapagalaw nya at napapasunod ang mga tao at higit sa lahat natatapos ang dapat tapusing trabaho ng masaya sa araw na iyon.
Nakakapagtaka lamang na pagkatapos ng lahat ng ito at sa husay ng kanyang pamumuno o leadership napagalaman ko na pinalabas na lamang sya nuong Miyerkoles at walang respetong sinabihan sya ni Big Bad Wolf na "I think you can leave the place now or you can go now!"
Kaya nga't ang tatlumpu't limang taon nyang maging tapat dito sa company ay di man lamang pinapahalagahan at nirerespeto ano pa kaya ang kagaya kong pangkaraniwang mang-gagawa lamang. Di sila marunong mahiya at lumalabas ang kanilang kulay. Kulay ng mga taong walang pinagaralan! Mga taong walang moral!
Kaya nga't ang ibang mga kasama ko na nagmamahal kay Santa Claus sa mga darating na araw ay nagbabalak magkaroon ng isang salu-salo para sa kanaya bilang pagkilala sa kanyang katangi-tanging pamumuno. At sana ito ay maisakatuparan at alam kong maraming dadalo dito at magiging isang malaking pamilya. Pamilyang may pag-galang sa isa't isa lalo na sa karapatan.
Para sa amin sya ay sapilitang pinalabas upang maiwasan ang mga pagkukwento nya sa amin ng mga ilang bagay at magkaroon kami ng iba pang kaalaman sa kabulukan nila.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home