Ang mga makukulit at mga sinungaling!
Una si Ernie na kinausap mahigit silang isang oras na nag-usap. Ng ako na ang kinausap sa pamamagitan ni Tony Serrato pinilit kong humingi ng representasyon ng union. Sa una pinipilit nila akong di naman daw kailangan ang union-rep at medyo may ilang minuto rin naming pinag-usapan at pinagtalunan ito at sa kalaunan pumayag din sila at ang hiniling ko ay si Benny Tatoy at di raw maari si Ernie na di ko alam kung bakit.
Sa kadahilanang di ako nagtitiwala sa kanila kaya ko ginusto na mayroong union-rep at sinabi pa ni Lamont sa kanya ay wala daw problema nguni't si Michael ang pilit na nagpapaliwanag na di naman daw kailangan sapagkat di naman disciplinary act ang gagawin nila sa akin. Pero di ako pumayag sapagkat di ko alam kung ano nga gagawin nilang pagtatanong sa akin. At para na rin bilang pagbibigay respeto kay Benny na isang Union Rep,Pilipino at maramdaman ng management ang presensya ng union dito sa ating workplace.
Kaya nga't kung ano sinabi ko kay Michael nung una ay yun din ang sinabi ko sa kanila. Ang di ko lang nagustuhan bakit nila ako ulit hiningan ng pangalawang statement samantalang nasabi ko na lahat ang dapat kong sabihin nung unang ipinatawag ako ni Michael.
Naramdaman namin ni Mang Benny na may gustong palabasing istorya si Lamont. Lagi nyang tinatanong kung gaano kami katagal na tatlong nagusap bago kami pumunta sa Supervisor. Ang pangalawa ay ano daw ang relasyon namin o ako kay Cris Valse? Ang pangatlo ay ng pumunta daw ba kami sa control room ay oras pa ng trabaho? Nilinaw ko sa kanila na oras na ng uwian namin at si Cris at oras na para kanyang break time at di namin pinabayaan ang trabaho namin.
Nilinaw ko rin sa kanila na bago ako nagdesisyon na kausapin ang supervisor tiniyak ko kay Cris na di sila nagbibiruan at seryoso sya sa reklamo laban sa pananakit ni Alex. At ibinigay naman nyang buong-buo ang pangyayari kay Andy Smith ang lahat habang kaming dalawa ni Ernie ay nakikinig lamang at pagkatapos ay tuloy na kaming umuwi!
Sana ang pangyayaring ito ay maging aral sa ating lahat na wala tayong karapatang pagbuhatan ng kamay ang sino man sa ating kapwa, ito ay labag sa batas at labag din sa patakaran ng kompanya!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home