The Meeting after the Rally Friday10.20.2006
Nagkaroon din akong masabi kay Rick Street ang nangyari at mga iba pang mga pangyayari bago nangyari ang insidente sa aming dalalawa ni Pam at Ako noong Sabado.
Sana ang mga pangyayari ito ay magkaroon ng magandang hinaharap sapagka't dito marahil mahuhusgahan ng iba kong mga kasama ang kahalagahan ng may union at totoong sumuporta sa adhikain ng union.
Ang aking batayan lamang sa mga pangyayari ay ang katotohan na ginawa ko lamang ang tama noong oras na iyon.
Ang pinakamagandang pangyayari ay babalik ako sa trabaho at sana kahit paano maiba ang ihip ng hangin lalo na ang pakikitungo ng management at mga supervisor sa mga manggagawa.
Ang iba pang bagay na napag- usapan ay ang mga kasong isanampa laban sa kompanya na wala pa ring magandang kinalabasan.
Sana magkaroon ng madaliang aksyon na maibalik ang pera ng mga nakakarami dulot ng re-classification , ito ang naririnig ko sa karamihan at dapat bigyang prioridad ng union.
Ang aking sariling opinyon karamihan sa naapektuhan ng bagay na ito na dapat sana ay sila ay manguna sa pagprotesta ay nanatiling tahimik.
Ayon kay Vilma Moncera, Oscar Feliciano at Virgil Opiana na ngayon ay aktibo sa mga aktibidades ng union. Nararamdaman ng karamihan ang sakit at baluktot na gawain ng kompanya nguni't nanatili lamang silang tahimik at takot mawalan ng trabaho.
Ang isa pang napagusapan sa pulong ay ang pag-implement ng mga safety rules (OSHA) at alam kong mabisa ang bagay na ito nguni't magiging mahirap para sa iba at ang iisipin at isisi ng iba ang pangyayari sa Union. Sana magiging malawak ang pa-iisip ng karamihan na ito ang isang paraan para maituwid ang lahat kahit mahirap. Sa madaling salita at ito ang gusto ng kompanya na laro sa araw-araw so kailangang lumaro din tayo "We Go By The Rules!"
Sana alam na ng karamihan sa atin na ang ginagawa ng kompanya ay maging hostile at maging mahirap para sa lahat ang pangyayari sa araw-araw na pagtatarabaho at magkahiwawalay at isising lahat sa Union ang di magandang nangyayari.
Abangan ....Thanksgiving Big Event!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home