Palabas ni Kikong Baterya
Mga isang oras bago matapos ang trabaho ng araw na ito lumapit sa akin si Michael at inanyayahan nya ako sa office nya kaya't nagpapalit ako kay Ernie.
Sa dahilang unang araw ko lamang sa aking trabaho iniwasan kong gumawa ng anumang tensyon kaya nga't bilang respeto sa kanya kahit gusto kong magkaroon ng union-rep sa twinang kakausapin ako nagpasya na lang akong ako na lang sa pagkakataong pumunta sa opisina nya.
Ang di ko lang nagustuhan ng oras na iyon ay mistulang may gusto syang palabasin ng oras na iyon. Sa dami ng pagkakataon na puede naman nya akong kausapin mula umaga pinili pa nya na naroon ang mga 2nd shift crew at kinuha nya ako mula system 4.
At habang naglalakad kami papuntang opisina nya binibilisan nya ang lakad nya. Na sa wari ko gusto nya akong nasa likod nya at sumunod lamang kaya pilit ko syang sinabayan o inuunahan at sana kausapin.
Sa palagay ko ng mga oras na ito isa na namang palabas ang ginagawa nya upang masira ang aking pagkatao o takutin ang dati ng takot na 2nd shift crew.
Pagdating at pagpasok namin sa opisina inabot nya sa akin ang isang papel na ang nakasaad ay ang dahilan ng aking pagkakasusupende at ang pangyayari sa amin ni Duanne pagkatapos na manalo sa eleksyon noong isang taon.
Ang sabi nya sa akin kung may tanong daw ako sa sulat na ito. Sa una pa lamang ng sulat ay di ko na sinangayunan sapagka't walang katotohanan ang mga nakasaad.Pilit silang gumagawa ng ibang istorya.Pilit nilang sinasabi na insubordinate daw ako at ito ay isang payo lamang sa ikabubuti ko.Mas makakabuti daw na sundin ko muna ang supervisor bago ang lahat ika nga "Do it first!"
Ang nakakapagtaka lamang sa kanila sa imbestigasyon hihingan ka nila ang sariling mong opinyon sa mga pangyayari di ka naman nila papakinggan. Di rin gumagawa nga tamang proceso ng pagiimbistiga kagaya ng pagtawag o kausapin ang mga tunay na nakasaksi sa mga pangyayari. Kagaya ni Edgar, Art o Abdul.
Sila ang mga taong ang mali ay ginagawang tama at ang tunay na pangyayari ay tinatakpan ng kasinungalingan.
Nakakaawa ang karamihan sa aking mga katrabaho na nabubuhay na alipin sa makabagong panahon.Nabubuhay tulad ng isang pulubi kagaya ng mga bulag, pipi at bingi na kahit na alam nila at inaabuso ang kanilang karapatang pangtao nanaisin pa nilang maging tahimik at pabayaan ang maling gawi ng management at mga supervisors.
Siguro nga tama ang mga naririnig ko kaya sila nagpapakamatay lumaban sa kagustuhan ng karamihan ng marami na magkaroon ng pagakakapatiran ay sa dahilang wala talaga silang pupuntahan at ito rin ang ang kanilang inaasahang kabuhayan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home