Pagputi ng uwak, Pag-itim ng tagak!
At ito ang assesment nya sa akin wala daw akong problema at wala syang nakikitang symptom na ako ay stress o depressed. Tama lang daw ang ginagawa ko at nasa akin namang lahat ang mga anti-depressant kagaya ng hilig ko sa musika, ang aking pamilya na morally nasa likod ko, mga kaibigan na nakilala at nagmamahal sa akin at higit sa lahat ang malakas na personalidad ko at pananampalataya ko sa maykapal.
Ipinayo nya sa akin na bumalik ako sa trabaho at alamin kung babayaran nila ako sa araw na lumiban o supendido ako.
Sinabi din nya sa akin na "I must pick my battle!"And sometimes the best solution is to keep silent. At pag-aralan ko pang makitungo sa aking katrabaho at lawakan ko pa ang aking pananaw. Alamin ko rin ang aral sa mga pangyayari.Wika nga "Learn from your mistakes!"
At kung mauulit ang nangyari ay tawagan ko sya agad at maaring matulungan nila ako.
Sa pakikipag-usap ko sa aking doctor kahit paano natitiyak ko na wala akong malaking problema at ito ang pinaka-mahalaga. Ito ay nakaluwag sa aking dibdib sapagka't isang dalubhasa ang aking nakausap.
Talaga yatang di magkakapantay ang tao dito sa mundo. At tila magiging isang malaking pangarap lamang ito at isang imposible kahit na sa Lupaing Amerika.
Ang pinakamaganda nalang sigurong gawin ko ay one step-backward at panoorin muna ang dalawang panig. Alamin ang tugtog at sayawan ito. Sinabi pa nya kung talaga di na ako masaya mag-iba na lang ako ng trabaho.
Sinabi pa nya bumalik uli ako sa mundo ng musika sapagka't ito naman ang gusto kong gawin!
Isang magandang araw at pagkakataon ang araw na ito na alam kong malaki ang maitutulong sa aking sarili.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home