Si Pacman At Kaming Mga Pinoy
Si Manny Pacquiao (Pacman), tunay na sumasalamin sa buhay ng bawa't Pilipino! Sa bawa't hamon at pagsubok sa buhay...sabi nga ng Pambansang Kamao..."Laban ko, laban mo, laban natin ito, laban ng bawa't Pilipino!!! "
Noong Sabado (Oktubre 6,2007), kasabay ng muling paghaharap ng aming ipinagmamalaki naming Si Manny Pacquiao at Antonio Barrera sa larangan ng pandaigdigang boksing dito sa Mandalay Hotel, Las Vegas, Nevada ay tunay na sumasalamin sa araw-araw na pakikipaglaban sa hamon ng buhay ng kapwa ko Pilipino.
Noong araw din na 'yon sa aking trabaho dito sa Union-Tribune ay masasabi ko na may parehong pangyayari. Kagaya ni Pacman na palagi nyang sinasabi na ang tangi gusto nya ay maiwagayway ang bandilang Pilipino, mapasaya ang bawa't manonood sa papamagitan ng isang maganda at malinis na laban na walang dayaan at sana walang masyadong masaktan hanggang sa matapos ang laban sinuman ang manalo o matalo. Kay gandang kaisipan at kay linis na pagkatao na dapat nating ipagmalaki ng bawa't Pilipino.
Kagaya rin ng aking mga ilang kapatid ko sa Union na si Freddie P. at si Ernie B. na ang aming pangarap sa aming bawa't katrabaho ay maging masaya magkaroon ng isang patas na karapatan at mabigyan ng disenteng buhay ang aming pamilya at kung dumating man ang panahon na ang karamihan sa aking kasama na ipasyang alisin (i-decertify the union) at magkaroon ng isang halalan na aayon sa batas manggagawa ay sana ay di masaktan ang aming pamilya sa magiging bunga nito.
Di ba kay gandang adhikain makatao at maka-Diyos? Ang masakit lang tanggapin at maaring di alam ng aming Pambansang Kamao at mga kapwa ko Pilipino ay ang tunay na pakikipag hamok sa buhay at anong klaseng tao nga ba ang kaharap natin sa araw-araw. Ingat ka kabayan at 'wag kang FLIP (Filipino Low Intelligent People)
Anu-man ang ganda at linis ng iyong isip at puso may mga tao sa iyong paligid na mandadaya, manloloko, mangagantso, magtatraydor o magtataksil, magpapaikot, manlalait at magsasamantala sa iyong kabutihan at gagamitin ka! At 'dyan sila masaya at nabubuhay, marahil siguro wala na silang pupuntahan, kawawa naman sila!'Yan ang mga taong buhay pero sunog na ang kaluluwa.
Kagaya nga ng huling laban ni Manny Pacquiao na pinamagatang "Will To Win", sa tagalog "Kagustuhang Magwagi", sa spanish "Deseo De Ganar!" na kay gandang basahin nguni't kung bibigyan pa natin ng kaukulang pansin ay ito nga ba ang dapat na pamagat?
Para sa akin at ay di ito naangkop kay Pacman sapagka't sya ang kasalukuyang kampeon. Ang kailangan lang ni Manny ipagtanggol ang korona sapagka't sya ang kampeon.Kagaya rin ng aming Union kami ang nanalosa kagustuhan ng karamihang mangggawa dito sa UT ang kailangan ipag-laban at bantayan ang aming karapatan bilang isang legitimate union kagaya ni Manny na he is undoubtledly the super-featherwight title holder, di na nya kailangang manalo sapagka't sya na nga ang kampeon.
"Will To Win!", Ito ay dapat lamang kay Barrera na di nya ginampanan ng buong katotohanan. Kagaya ng magandang adhikain ni Pacman na mabigyan ng isang magandang laban ang bawa't manonood. Na ang inaasahan sana ng bawa't manonood lalu na ang mga kababayan kong Pilipino ay di nangyari na pabagsakin ang kalaban, sa totoo lang di na kailangan, depensa lang kapatid. Sana ang makikita nila ay tunay palitan ng suntok at maaksyong bakbakan ay di ito nangyari sa kadahilanang ang "Deseo De Ganar" ang ibig sabihin pala kay Barrera ay "Will To Survive up to 12 Rounds" and get the big bucks!!!At mapatutunayang hangga't maiisahan ni Barrera si Manny kagaya ng "illegal punch", na habang inuutos na inihinto ng referee ang laban ay sinuntok pa nya si Manny na posibleng mahilo 'ito. Magpapatunay na dami ng kanyang laban ay di sya maituturing na "great boxer" ay di dapat ikumpara kay Pacman.
Kagaya rin sa aming trabaho dito sa Union-Tribune noong nakaraang araw ding iyon ng 4:00 ng umaga.
Na mula ng manalo ang Union sa halalan bilang ganti ng kumpanya ay isinama sa amin ang sangkatutak na Mexican Women na di naman lubusang magampanan ang mga gawain at sa halip tatarakan ka pa sa likod sa pamamagitan ng pagsisipsip at pagsusumbong ng mali sa kapwa Mexican na supervisor.(Kay babang pagkatao!)
Narito ang isang pangyayari, bago kami magsimula ng araw na iyon nagusap kami ni Adel, night shift supervisor kung ano ang aasahang mangyari sa takbo ng pagtatrabaho sa araw na iyon. Kay ganda ng aming paguusap at malinaw.Sinabi nya kami ang bahala sa mga tao kung sino ang sa baba (first floor) at sino sa taas at sinabi ko sa kanya na ang kasama namin na Mexican Girl na si Maria V. ay di maaalam sa pagset-up ng stacker. Na agad namang biniyang solusyon ng aking kapatid na si Ken Hughes na nag magandang loob na tumulong sa amin sa pag set-up!
Dumating ding maaga si Kapatid na Ernie B. nguni't lingid sa kanyang kaalaman biglaa ang binago nila ang takdang oras ng kanyang trabaho sa araw na iyo. Sya ay nakaschedule magumpisa ng 6:30AM. At sya umuwi sandali at bumalik. Isang pagkakamali nya na mula galing syang bakasyon ay di nya dinoublecheck.
Ganito rin ang nagyangyari sa akin noon mula sa isang buwang bakasyon at napagalaman ko rin kay John Wanner sila ng naalis na si Troy ay ganun di. "What A Dirty Trick, Again!)
Kung ihahambing natin ito sa buhay ni Pacman ang moral lesson dito ay di tayo dapat basta magtitiwala sa ating kaharap! At kung tayo labis na magtiwala tayo ay aabusuhin o dadayain ng iba gayung ang ating layunin ay malinis at maganda.
Maganda sana ang araw na ito kahit kulang ang bilang ng tao para magawa ang kaukulang gawain ay sinira na naman ng isang Cris N. ang sana ay dapat tama,madali at may kalidad na producto.Sa pamamagitan ng kanyan mga dirty tricks, traps, at nakakadiring gawain (harassment). Pinipilit nyang binabasag ang unti-unting nabubuong pagkakapatiran ng mga mangagawa.
Pinaghihiwalay nya ang mga tao upang sila ay di makapag-usap ng isang makabuluhang bagay lalo na ang tungkol sa karapatan. Walang kahihiyang pagbibigay ng special treatment o favorsa iba upang mapagsamantahan ang kasama kong may kakulangan sa kaalaman sa kanilang karapatan.Gagawa sya isang pangyayari na di totoo at tuloy bibintangan ka na masama kang katrabaho. Pilit nilang pahihirapan ang mga taong alam nilang di nila maloloko sa pakikipaglaban sa karapatan.
Sa aking papananaw di lamang iisa si Barrera dito sa Amerika, marami sila at nagkalat sila. Talo na, di nahihiyang mandadaya at pilit pang lalaban. Gagamitin ang Pinoy magkamal lamang ng pera." A Will To Win" or " A Will To Survive For 12 Rounds" and get the big bucks & retire. Kahit saang panig nandun sila parang mga ganid na halimaw at swapang sa pera. Sana maging totoo at patas si Oscar De La Joya para kay Manny Pacquiao, ipagdasal natin kabayan!
Sa sanaysay kong ito, sana nailahad ko sa ibang anggulo ng buong katapatan at katotohan ang mga pangyayari at makapulot ito konting aral sa aking kapwa-Pilipino!
Mabuhay Ka Ginoong Manny Pacquiao (Pacman)! Ipanagdarasal ka namin, sa iyo lamang kami nakakabawi na bilang Pilipino, bilang tao ay dapat pagkatiwalaan at higit sa lahat ay igalang!
Sa aking mga kapwa-Pilipino "'Wag mong isiping marami kang gagastusin kung ikaw ay mag-aaral...ewan ko sa 'yo kung di mawala ang iyong pagkatao at karapatan kung isa ka ngang dakila-sipsip pero isang TANGA!
Click for more about Pacquiao vs. Barrera II (Will To Win)
Labels: pacquiao barrera
0 Comments:
Post a Comment
<< Home