Ang katuwiran at ang katotohanan
Hindi biro ang hirap
Itaguyod lamang,
Ang pangaraw-araw na pangangailangan
Maraming tao ay nanainisin pang
Maging bulag, bingi, manhid at maging api
Kaysa ipaglaban ang kanyang karapatan
Tungo sa pagbabago at ipapaglaban ang katuwiran
Sino ba ang bakla?
Sino ba ang sip-sip sa company?
Sino ba ang supot?
Sino ba ang chupa ng chupa?
Sino ba ang chicken?
May pakpak di naman makalipad
O kawawang ibon
Halos tatlong buwan lang buhay sa mundo!
Dedo ang pobre, ang labas at lechong manokSa hapag-kainan ang sinapit ng kapalaran ng buhay!
Nguni't di tayo manok
Tayo ay tao kagaya din nila
Na dapat igalang ang ating karapatan
Higit sa lahat ang harapin ng buong tapang
At alamin ang katotohanan
Ang tunay na demokrasya ay
Ang pakikipaglaban ng habang buhay
Na dapat igalang ang kanyang karapatang pang-tao
Lahat tayo ay may pananagutan
Pananagutan sa lipunan at sa sangkatauhan
Upang mabuhay ang bawa't isa sa atin
Nang may kapayapaan sa sarili
At kanyang karapatang lumigaya!
Mangarap ng magandang bukas para sa kanyang pamilya!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home