Makatwiran Nga Ba....Mababago Pa ba?
Dapat nga ba at makatwiran lamang ba ipaglaban ang aking mga kababayang Pilipino dito sa Union-Tribune? Na madalas ay pinapaikot ka lang sa mga pangyayari, na ang pangkaraniwang sa kanila ay mga "Yes Lang Ng Yes!" pagkaharap na ang mga supervisor, o nakakataas o kapwa katrabahong mga puti o ibang lahi. Na mas madali silang maniwala sa mga sinasabi nito kahit sila ay harap-harapang niloloko ng mga ito.
Halimbawa lamang ng araw na ito Sunday, December 23, 2007, na halos lahat kaming pangkaraniwang manggagawa ay kinakailangang pumasok ng trabaho upang matugunan lamang ang bilang ng circulation production na hinihingi ng pagkakataon ang " Holiday Season Sale, o anumang dapat ipublished ng Company na ito upang sila ay kumita at mas gumanda o lumaki ang kanilang profit!"
Habang ang karamihan sa amin ay naghaharimunan sa oras na binibigay nila sa amin. Sa halip kami ay makapagpahinga ng weekend na dapat sana ay ilaan namin ang aming panahon sa araw na ito sa aming pamilya, eto at narito kami at nagtatrabaho habang ang hinayupak na may katungkulan o matataas ay nagpapahinga at nagpapasarap kapiling ang kani-kanilang mga pamilya!
At kung meron man sa kanila na pumapasok ay nanonood lamang sila ng Football Game ng Chargers sa control room. Habang kami ay di magkaugaga sa pagtatrabaho. At wala silang pakialam kung tama o mali, sapat ba ang papel o insert na dapat pumaloob sa main jacket ng newspaper na ito? Tama ba ang product na aming pinatatakbo? Kakatawa talaga, palibhasa ang importante sa kanila ay mailabas lamang ang dyaryo sa tamang panahon wala silang paki kung anuman ang quality nito.Di sila marunong mahiya!
Ito ay nasaksihan ng mapanuring mga mata ng tatlong unano. Lalung-lalo na aking dalawang kapatid na Fred P. at Ernie B., salamat sa kanilang mga magagandang comment at input upang maidocument ang maga bagay na ito. Marami sa amin binabale-wala ang mga katarantanduhang ito, ang mahalaga sa kanila ay kuntento na sa kanilang mga tinatanggap na dollar o paycheck lingg-linggo kahit ito ay may barya-barya lamang kung ikukumpara sa mga ganid na nagpapatakbo ng company na ito.
Ang masakit isipin ay kailangan mo pang gumawa ng kababahalaghan, milagro, himala o mahika upang mapaniwala mo lamang ang mga bulag, pipi, bingi at doble kara at walang pakiramdam na mga kasama namin.
Naalalaala ko tuloy ang Kundiman na sariling atin ang "Doon Po Sa Amin, Bayan ng San Roque...May nagkaumpukan apat na pulubi and so on.....isandaang taon na ang matandang awitin at halos limot na ng makabangong henerasyong Pilipino na pinalitan na ng mga hip-hop papogi, R & B pa pretty, Rocker na jologs at mga mga baranggay wowowee...eto pa rin tayo bulag, pipi at bingi pa rin!
Sa ngayon maganda ang pakikiharap nila sa tatlong unano ( para silang mga tatlong haring mago..(he- he- he- he-)Inaalok sila ng mga pagkain, binabati ng matatamis na mga ngiti, niyayakap, tinatawag ng pansin upang masabi nila sa sarili na umaaayon sila sa pinaglalaban ng mga ito.
Sana dumating ang araw na kami magkakontrata at madagdagan ng kaunting dolyar ang aming mga bulsa upang kami lubos na paniwalaan sa aming adhikain. Upang kami ay magkaroon ng tunay na pagkakapatiran, samahan at pangalawang pamilya sama-samang nagbabaginan ng profit o kita ng company na ito.At higit sa lahat sana ang bawa't isa sa amin may isang paniniwala. Paniniwalang ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. At dapat mabatid na ang bawa't isa sa amin ay iisa lamang ang pangarap. "Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming sariling pamilya!"
Makatwiran ba....Mababago pa ba? At ito ay magsisimula lamang sa bawa't isa sa atin o sa ating mga sarili!"
MARAMING SALAMAT KAY KAPATID NA LAZY FREDDIE SA ISANG MASARAP NA LUNCH, 'WAG KANG MADADALA!!!
Labels: harassment at work, just for the record, makatwiran ba
0 Comments:
Post a Comment
<< Home