Ang Utak Talangka...Ang Walang Kagalingang...Masakit na Katotohanan...
Nagpapalitan ng mga magagandang salita, nagpapaalaman habang nangingilid ang mga luha. Ngapapalitan ng mga contact nos. at address kagaya ng phone nos. at e-mail address.Sana nga ay totoo na sila ay magkakalapit bilang maging magkaibigan na kahit paano nagkasama kami ng maraming taon sa trabaho. Nakakatuwa na nakakalungkot sapagkat kahit ganoon kailangan pa rin namin ang isa't isa. Sabi nga "NO MAN IS AN ISLAND!"
Pra sa akin kahit paano makakaramdam ka ng lungkot at maala-ala mo ang magagandang araw na katrabaho at kakwentuhan sila at di makakaila na naging bahagi namin ang bawa't isa minsan sa kabanata ng aming buhay. Sana tumama sila sa kanilang pagpapasaya at ako masaya rin pa rin sa kanila.
Ang linggong ding ito ay puno ng emosyon,pag-aalala at pangamba sa dahilang "Ano ngaba ang aming magiging kinabukasan sa kamay ng mga taong nagpapatakbo ng kumpanyang ito na walang pakialam sa pangkaraniwang manggagawa at ng pamilya namin. Na ang pinaiiral na prinsipyo ay ang kasakiman at pilit binabale wala ang aming karapatan bilang tao.
Para sa akin ang paglisan ng aking mga kasama at tanggapin ang alok na buy-out ay ang pagtatagumpay ng kumpanya ang pagwatak sa anumang namumuong kapatiran at magawa nila ang gusto nila at itago ang lahat ng katotohan at matakpan ng kasinungalingan ang lahat.
Ang mapait na katotohan ito ay kahulugan ng karagdagang trabaho para sa amin sapagka't pipilitin nilang gampanan namin ang trabahong dati namang hindi para sa amin. At di man lang bibigyan nag anumang karadagang pabuya o kabayaran at sasamantalihin ang ugaling Pilipino na masipag nga ngunit'kanya-kanya naman at matapang lang sa kapwa-Pilipino at ang pinakamasama sa lahat ang ating ugaling utak-talangka. Ang mga pangyayari sana ay maging daan upang tayo ay magising at makita ang katotohanan na tayo ay may karapatan bilang pangkaraniwang manggagawa at walang mangyayari sa atin kung tayo ay kanya-kanya!
Labels: Ang Utak Talangka...Ang Walang Kagalingang...Masakit na Katotohanan...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home