MY Daily UT Weblog

One after another the dirty-tricks emerge revealing Union Tribune's ruthless campaign against workers' rights.When UT employees attempt to stand up for themselves and try to form a union, we face threats, propaganda, discrimination, intimidation, harassment and even firings.It's wrong, and it's got to stop now!!! AND IT IS AGAINST THE LAW!!!

My Photo
Name:
Location: San Diego, California, United States

Welcome! I'm Meinard "Maestro" Belarmino, Home & Living has always been one of my favorite subjects and History, Music, Arts, Faith, People, Places, Friends, Politics(?) and Family is my life. I hope you'll be interested in some of my subjects. So, please take a look around and reflect yourself. I'll try to add new material regularly to keep my site fresh, so check back often! It took a lot of time to publish a good website especially dedicated to everyday people, the real people & friends I've always met everyday, I've been busy working for a living, like you guys out there. But I'm glad to be here to Welcome YOU! Please give your comments, inputs and suggestions to improve this site. All the items you read here are from facts and variety of opinions of other people like you. Your freedom of self-expression here on the Net. Thanks for your time...Don't forget to click other links here on the main page! Don't forget to visit my archives too! There are more to see,listen,learn and to discover. Let's explore the wonderful world of (W.W.W.)World Wide Web! Sometimes... if not always "Weird Wide World". Whatever, it is good..."TULOY LANG PO KAYO!"

Sunday, March 11, 2007

A HardLife...The Movie about Worker's Rights

A short movie presentation to reflect on your rights as an ordinary worker!
with English subtitle.

Labels: ,

"Sa Totoo Lang! Don't be a victim!"

Habang ginagawa namin ni Ernie B. ang aming job assignment ng araw na ito (Sabado March 10, 2007 mga 8AM) sa A Press. Bumaba si Duanne mula sa control room kinausap nya si Delia at John mukhang nagagalit na di namin alam ang dahilan at ang huli bago sya umakyat sa control room nakikipag-argue sya kay John. At pagkatapos mga ilang minuto ipinatawag kami saloob ng control room at isinisisi sa amin ang problema sa B Press at pinauwi at sinususpende si Ernie ng walang dahilan kagaya ng ginawa nila sa akin noon na maling pagaakusa na alam ng karamihan sila ay upset sa sulat na nakapaskil mula ka Pat M. na umaamin na walang nangyari sa pagpapirma upang magkaroon ng election at madecertify ang union at sila frustrated at gagawin pa nila ang kanilang magagawa.
Ang dahilan ng pag disapproved ng NLRB ay may mga nakabinbin o nakasampa pa silang kaso hinaharap (unfairlabor practice).
Sana maging maliwanag sa mga kasamahan at mga kapatid ko sa union na kung bibigyan lamang tayo ng laya na magkaroon ng isang bulletin board madali sana nating malalaman ang anumang mga bagong pangayayari o development sa union negotiation. Batid ng inyong lingkod ang lahat ng mga bagay is under negotiation kagaya nito, ang bulletin board. Sana maging maliwanag sa aking mga kapatid at kaya nga naglagay ang inyong lingkod ng isang munting weblogsite na kagaya nito na sana makatulong upang magakaroon ng kaunting input ang bawat isa sa atin.
Me & Ernie was just doing the right thing and we don't know anything what Duanne is talking about. First of all we are working on A Press,which is just right and not on B press which has a problem, which is just a normal day operation. We are just wondering why he makes it a big deal.It is really indeed again a false accusation against us because of the union thing,and it is a routine old dirty tricks... that's the bottom line and everything on the floor is a trap. Before they only victimized all the union supporter, now they desperately does this to everybody.They really don't care!
"In tagalog...ang maines talo!!!"

"DON'T BE A VICTIM...UNITED WE BARGAIN...DIVIDED WE BEG!"

Labels:

Ang kaso ni Ernie B. sa aking pananaw at iba pa...

Sabado March 10, 2007

Ang pangyayaring ito ay isa lamang sa paulit-ulit na ginagawa ng mga supervisor magmula ng iboto ng karamihan na magkaroon ng union dito UT-Packaging Department. Ito ay ang di pantay-patay na pagtrato, pagpapahirap at basta nila kakasuhan ng mali ang mga manggagawa, sususpendihin at aalisin sa trabaho ang mga kaawa-awa kong mga kasamahan. At kung ipanaalam at humingi ka ng kinauukulang tulong sa tinatawag nilang Human Resources, ikaw na hamak na manggagawa ay kanilang babaliktarin at puro ang kasinungalingan ang kanilang isusulat at ipa-file at idodocumento upang ito ay magiging laban sa iyo hanggang sa ikaw ay kanila na lamang alisin sa trabaho.

Isang halimbawa sa kanilang paguusig sa isang kaso, ikaw ay ipapatawag sa isang meeting at mayroon na silang kopya ng pangyayari na kanila nilang dinoktor. At pag-kakataon mo nang sabihin ang panig mo, isa-isa nilang pakikinggan ang bawat salita binibitawan ito at hahanap sila ng butas upang ito ang ipanlaban sa iyo na akala mo napakahusay, napakagaling at bihasa silang magsalita ng wikang ingles, nguni't sa totoo ikaw ay binabaliktad lamang.

Kung ikaw ay nagpapaliwanag lamang ng iyong panig ang sasabihin nila ikaw ay nakikipag-argue o nakikipagdebate. Kaya dito pa lamang nilalabag nila ang karapatang pang-tao.

Hihingan kanila nga mga opinion at mga survey ngunit ito lamang ay ginagamit nilang pagcontrol sa mga tao para makakuha ng information mula sa 'yo. Ang halimbawa ay pagsasabi mo at pamimili ng shift ikaw ay bibigyan nila na taliwas sa kagustuhan mo, kagaya din ng day-off request mo, ganoon din sa iyong job assignment at may request ka na gusto mong kasama ikaw ay kanilang papahirapan at paiikutin maliban lamang kung ikaw ay kanilang paborito at umaayon sa kanilang bulok at maruming sistema na alisin at maniwala sa kanilang propaganda at pag-brainwash na walang silbi at walang magagawa ang ating union at di kailangan sa ating workplace.

Nasisikmura nilang patakbuhin sa araw-araw ang ating departmento na isang kasumpa-sumpang lugar at mag-away ang bawat isa at isisi ang mga masamang pangyayari sa pagkakaroon ng union, lalung-lalo na pinag-aaway nila ang mga kababayan kong mga Pilipino at mga kasama kong manggagawa upang di mabuo ang isang mabuting pagkakapatiran at magkaroon ng isang pamilya ng manggagawa na naghihirap sa araw-araw na naghahanap buhay upang itawid lamang pangangailangan ng kanilang pamilya. Sinisikap ng mga aba kong mga kasamang manggagawa na mailabas ng nasa panahon ang kaisa-isang lamang pahayagan ng San Diego, ang Union-Tribune!

Ang sulat mula sa upper-management ay isang magandang balita at nagpapatunay sa kanilang kasinungalingan at sana ay makita ng karamihan sa atin na buhay-buhay at gumagalaw para sa ang ating union at taliwas sa kinakalat nila na wala na raw tayong union at walang magagawa. Ang union ay di ako! Ang Union ay ikaw, sila o siya...ito ay tayong lahat...ito ang boses ng pangkaraniwang mamayan at manggagawa! Ito ang bumubuo ng pangkaraniwang mamayan (middle class family) ng Amerika. At ito tayo rin ang dahilan kung bakit nangunguna ang bansang Amerika sa kasalukuyang panahon.

"In Solidarity There Is Power, and Union There Is Power!"

Labels: ,