Sa sobrang antok at pagod ko ng linggong ito 'di ko nakuhang maglog
(magsulat) ng araw-araw. Kaya't pipilitin kong alalahanin ang mga mahahalagang nangyari. Una wala pa ring pangbabago ang takbo ng
Shur Palletizer. Di' sya
sure kung tatakbo sya ng mahusay sa araw-araw. Sayang na million dollar. Dumami ang trabaho at ang mga voluntary overtime at sapilitang overtime (mandatory overtime) at mas naging kailangan nila ang mga mang-gagawa upang mailabas sa tamang oras ang ating pang-araw-araw na pahayagan. At kagaya nga ng dati mas naging mahirap para sa amin ang pagkacartload sapagka't gipit na nga ang naturang lugar at kulang ang mga cart na di man lang inaalam ng supervisor kung ano ang problema bago magsimula ang pagpapatrabaho, anong klaseng pamumuno meron nga ba sila? Di rin masasabing ligtas para sa amin sa dahilang napakainit sa naturang lugar. Sa pagtulak ng cart ay mas maraming effort sa wrist ang kinakailangan bago mo marating ang dulo ng north dock. Wala silang pakialam kung sumakit ang buo mong katawan at masaktan ka sa pagtatrabaho. Ang madaling trabaho ay kanilang pinahihirap upang masabi na sila ay may pamumuno daw? Ang suswerte nila sa madaling pagkita ng dolyar. Marami sa atin ang nagsasawalang kibo lalo na sa mga kababayan kong mga Filipino sa mga pangyayari nguni't alam ko na nararamdaman nila ang sakit ng nararamdaman ko. At sana di sila nagbubula-bulagan lamang!
At huwag nating kalimutan na ang mga makina sa ating departamento ay lumilikha ng napakalakas na ingay o noise decibels at marami sa ating mga kasama ang di nakakaalam na ang sobrang ingay ay malaki ang nagagawa sa ating pag-uugali, ito ay ayon sa mga pagaaral at pananaliksik ng mga dalubhasa sa bagay na ito. Di sapat ang taunang hearing test at pag-gamit ng safety ear plugs upang di maapektuhan ang ating kalusugan at pagkatao.
Dahil sa bagong palletizer na ito, na hanggang sa ngayon ay napakalaki ng problema nawalan tayo ng break area at banyo at kailangan pa nating umakyat o maki-gamit sa ibang palapag. Microwave, TV, Vendo Machine at Internet ay wala na nga at wala silang alternatibo para dito, wika nga wala silang pakialam. May electric fan nga di naman ayos at ligtas at mga electrical outlet. Ang mga water drinking stations at electic fan ay puno ng alikabok. Alam nating lahat na para magawa mo kaukulang trabaho tayo ay laging nakatayo at laging pauli-ulit (repetetive movement) na pag-galaw. Ito ay ating ginagawa araw-araw sa isang buong linggo. Alam ko tulad ko rin kayo na kahit sumakit ang ang parte ng katawan ay pipilitin nating magtrabaho. 'Yung iba ay nakakita ng paraan upang alagaan ang kanilang sarili upang maging ligtas sa araw-araw nag pagtatrabaho.
Di mo rin masisisi ang iba sa atin na maging tamad sapagka't una sa lahat pinangalalagaan lamang nila ang kanilang katawan at kung hindi, di sila tatagal ng mahabang panahon dito sa UT. Ang iba ay nagsasamantala sa mga baguhan o kapwa katrabaho at kung di nila gagawin baka matagal na silang disabled o kaya ay nasa hukay na nga sila. Napakasamang pag-uugali ang matutunan mo dito sa UT nguni't wala ka namang magagawa kailangan mo ng trabaho at pera para mabuhay kahit paano. Nguni't tao lamang tayo na napapagod, nagugutom, nagkakasakit, may damdamin at kailangan ang bawa't isa, lalung lalo na ang pag-galang sa bawa't isa. Di kagaya ng mga makina na di kailangan ang mga ito!
At kung ang lahat ng ito ay sasabihin mo sa kanila
(management) at aasa ka na malulutas ito, nagkakamali ka kaibigan. Ito ang trabaho ng marami sa kanila ang pagtakpan ang kanilang kababahuan at kabulukan. Kaya nga
"Something stinks at the Union Tribune!"Anumang makapagbuo ng isang pagkakapatiran, ito ay kanilang sisirain sa simula pa lamang, mula pa ng unang araw ng iyong pagtatrabaho dito. Narito ang aking sariling opinyon kung paano ka matatanggap bilang manggagawa ng Packaging Department ng Union-Tribune. Alam kong katawa-tawa nguni't ito ang totoo kabayan!
1. Mas mabuti kung di ka marunong mag-ingles. Kung maari ikaw ay pipi at bingi upang di mo masabi ang gusto mo sa kanila. At maramdaman mo na sila ay mas mataas kesa sa 'yo.
2. Kung maari ay di ka nakapag-aral o di man lang nakatuntong ng paaralan at di mo alam ang salitang karapatang pang tao. Kaya nga't
"No Reading Policy."3. Dapat wala kang kapwa tao upang di mabuo ang isang mabuting samahan ng pagakakapatiran at makita ang tunay na pagkapanta-pantay. Kaya nga't bawal ang kapamilya (No Family Members) na kasama mo dito sa trabaho, asawa lamang at ito ay panakip lamang sa paglabag sa alituntunin ng manggagawa
(Labor Code).4. Dapa't di ka nagiisip, may inggit sa bawat isa upang di tayo magkaisa. Kaya nga't meron silang itinatangi at merong hindi upang ikaw ay mainggit. Kagaya ng pagpili nila ng mga taong ilalagay nila sa magandang posisyon at maging tuta nila at gamitin ka sa sariling kapakanan.
5. Mas gusto nilang maghari ang hatred at maging hostile ang ating departamento upang tayo ay magkahiwa-hiwalay.
Marami pa sana akong dapat maisulat nguni't sa sobrang pagod sa trabaho di ka makapagsulat ng maayos!
Ang
Union-Tribune ay ang dalawang salita na di dapat magkasama!
Anti-American! Anti-union at di makatao! Di-makapamilya! At higit sa lahat di nila kilala ang Diyos!
Isang paala-ala lamang ang sabi ni Pepe (a.k.a Dr. Jose Rizal, ang unang nagsabi na sya ay Filipino):To Jose Rizal, what is the most important contribution of every Filipino to his country’s progress? The main thing is that every Filipino must be a good man, a good citizen so that he can help his country (where he or she lives) to progress by contributing his heart, and if need, be his arm. (With the head and heart, we ought to work always; with the arm when the time comes when physical strength is needed. The principal tool of the heart and the head is the pen. Other prefer the brush; others the chisel. On my part, I prefer the pen.
--
Dr. Jose P. Rizal