MY Daily UT Weblog

One after another the dirty-tricks emerge revealing Union Tribune's ruthless campaign against workers' rights.When UT employees attempt to stand up for themselves and try to form a union, we face threats, propaganda, discrimination, intimidation, harassment and even firings.It's wrong, and it's got to stop now!!! AND IT IS AGAINST THE LAW!!!

My Photo
Name:
Location: San Diego, California, United States

Welcome! I'm Meinard "Maestro" Belarmino, Home & Living has always been one of my favorite subjects and History, Music, Arts, Faith, People, Places, Friends, Politics(?) and Family is my life. I hope you'll be interested in some of my subjects. So, please take a look around and reflect yourself. I'll try to add new material regularly to keep my site fresh, so check back often! It took a lot of time to publish a good website especially dedicated to everyday people, the real people & friends I've always met everyday, I've been busy working for a living, like you guys out there. But I'm glad to be here to Welcome YOU! Please give your comments, inputs and suggestions to improve this site. All the items you read here are from facts and variety of opinions of other people like you. Your freedom of self-expression here on the Net. Thanks for your time...Don't forget to click other links here on the main page! Don't forget to visit my archives too! There are more to see,listen,learn and to discover. Let's explore the wonderful world of (W.W.W.)World Wide Web! Sometimes... if not always "Weird Wide World". Whatever, it is good..."TULOY LANG PO KAYO!"

Sunday, September 14, 2008

The End Of An Era ng Bulok na Sistema

Sana nga katapusan na ng bulok sistema ng kabanata ng kasinungalingan at panlilinlang ng mga swapang at ganid na mga tamad na mga matataas na namamahala ng Pahayagang UT.

Sana ang bagong may-ari ay di sayangin ang milyun-milyong dollares upang pairalin ang tama, ang katotohanan at kabutihan.

At kung hindi nya gagawin ang nararapat isa s'yang numero unong istupido at hunghang...sapagka't wala syang tatakbuhan at masasama sya sa pagbagsak at kahihiyan na kanyang mamanahin sa company na ito. I am really sorry for them!

I remember during one of our negotiation with them we asked them if there is a future lay-off...they say "THEY DON"T KNOW!" What a big lie...hypocrite!!!

Since we've elected the union representation last June 9, 2005, that was three years ago...

As my header says..."One after another the dirty-tricks emerge revealing Union Tribune's ruthless campaign against workers' rights.When UT employees attempt to stand up for themselves and try to form a union, we face threats, propaganda, discrimination, intimidation, harassment and even firings.It's wrong, and it's got to stop now!!! AND IT IS AGAINST THE LAW!!!" and up to this time they still not ashame doing this horrible thing.

All the accusations & allegations to all the union-supporters are all false, heresay and grossly fabricated. And we found it very maliscious against us, who only wants our basic human rights to be respected as a worker.

Labels:

Tuesday, September 02, 2008

Dapat nga ba o hindi?

VOLUNTARY SEPERATION PROGRAM OR BUY OUT...pareho lang yan mga kapatid!

REMEMBER: The Union-Tribune’s Christmas Massacre of December 2007 is still producing bloodshed. The Copley Press, aided by a high-powered consulting firm, is contesting unemployment claims filed by a small group of ex-employees who took a buyout after concluding they would be fired.MORE HERE>>>

Madalas sa iyong buhay may pagkakataon na dapat matatag ka sa anumang desisyon na gagawin mo. Di ka dapat pabigla-bigla. Timbangin ang bawa't anggulo, at alamin ang ikakasama at ikakabuti sa iyong napiling pagpapasya. Sapagka't ang sabi nga natin palagi "Nasa huli ang pagsisisi at di ito nauuna!"

Sa nakakalitong mga pangyayari ngayon dito sa UT nagkaroon kami ng mga ilang palitan ng mga sa loobin at narito ang mga ilan at ang mga ito ay dapat kong bigyan ng halaga bago ako magpasya.

This is the issue:

"Buyouts Announced at 'San Diego U-T'" Thursday August 28, 2008"

Narito ang ilan lamang na naririnig ko sa aking mga katrabaho, kaibigan, kapamilya at mga taong malalapit sa akin. At sisikapin kong dagdagan ito at itama kung mayroong pagkakamali sa blogging kong ito.

Mahirap magsurvive sa kanilang offer na di naman kalakihan at buwanan nilang ibibigay ito at di naman buo o isang bigay upang makita mo man lamang halaga, ayon ito sa announcement nila. Sana may option o choices ito.

Ang nakakaduda ay ang kanilang pagpresent ng program o move na ito sa mga kapwa ko manggagawa. Bilang professional dapat sana binigyan nila kami bawa't isa ng folder o package na mababasa na makakapagbigay ng mga information at maiuwi sa bahay at dito namin gawin ang aming homework at makapagpasya kami ng nararapat kung ano makabubuti sa bawa't isa sa amin at sa aming pamilya. Alam dapat nila na may mga ilan sa amin na magiging emotional sa bagay na ito at kailangan ang isang professional na tagapayo.

Napakababa ng tingin nila sa amin sa dahilang para lamang silang nag announce ng weekly schedule namin.

" O ayan bahala kayong matrap dyan mga stupid, mga flip, wala naman kayong lakas ng loob kahit magtanong man lang...sa meeting nga eh.. walang kang maririnig sa mga 'yan...di mo nga maintindihang mag-english yan eh..magtatanong ka pa eh kung maubusan ka ng baon mo...napahiya ka pa, may problema ka pa kaya tahimik na lang si Juan Tanga!"

Kaya nga paano mo maibibigay ang pag-galang sa mga taong ito na sa mga kilos at pagsasalita nila ay nakikita mo na wala silang pinag-aralan. Wala silang tamang leadership at di nararapat sa kanilang trabaho.

At sigurado ako na di rin magugustuhan ng isang bagong matinong multi-millionaire na may ari ng ganitong kalaking company ang ganitong napakarumi at napakababang sistema.Ano 'sya isang stupid din at isang malaking hunghang! (Puede rin yan mga kapatid, kaya bottom line dapat may union para may protection!)

Matatawag ko talaga na "Isang Pang-aalipin sa Makabagong Panahon "

Alam na alam nila na mahirap ang trabaho sa ngayon kaya nagagawa nila kahit na ano lalo na ngayon na walang union na magtatanggol sa aming karapatan bilang pangkaraniwang manggagawa.

Di rin sapat ang panahon o deadline upang mapag-aralan at maisubmit mo ang iyon mga paperworks. Sa tingin ko ito ay sequel sa "Christmas Massacre 2007" at ito ay ang "Summer Massacre 2008"

Sa akin mas makakabuti na huwag kong kunin ang kanilang alok di dapat masilaw sa maliit na halaga.

Gusto kong makita ang mga taong ito na isa-isang lumalabas sa company na ito. At kung sa mga sumunod na mga araw na naririto ako malalaman at makikita ko ang tunay na drama ng bawa't binibitawan nilang salita. Kung may katotohanan ang mga ito o strategy lamang nila upang ang illegal ay magawa nila ng legal o isa rin itong corporate greed na kumakalat na sistema sa buong Amerika.

Sa aking Kapwa-Pilipino hangga't di tayo nagbabago sa ating "Utak Talangka" we will remain a second class citizen forever at di tayo igagalang at bibigyan ng equal rights, kailan tayo magigising! "Walang api kung walang magpapa-api!" sabi nga ng ating kapatid na Pepe.

Labels: